Marissa M. Malicdem

(featured JJ girl of the week Sept. 24 - 30, 2007)

Ito ang description ng mga friends ni Ysah sa kanya :

"Makulit, makulit, sweet, makulit, makulit, matalino, makulit, makulit, masarap magmahal, makulit, makulit, masarap kasama, makulit, makulit, responsable sa lahat ng bagay, makulit, makulit, makulit, totoong tao, makulit, makulit, at higit sa lahat makulit. Oo nga pala, makulit din siya... at kalog"
Sa Jalajala Elementary School nag-aral si Ysah. Akalain nyong Valedictorian sya! Pagtuntong ng SMPS, Valedictorian ulit. Matalinong bata. Natatandaan ko pa ang valedictory speech nya na "tatang...gagawin ko ang lahat para guminhawa ang buhay ng pamilya natin..." After high school, sa Rizal Tech University siya naghasik ng lagim. Laking simbahan at kumbento kasi si Ysah nuon kaya nung makapunta ng Manila, tsaka pa lang nailabas ang tinatagong sungay at buntot :P

Sa ngayon, nagtatrabaho sya sa pabrika ng mga kabibe, sa Shell Shared Service Centre-Manila 32F Tower 2, RCBC Plaza Building 6819 Ayala Avenue cor. Sen. Gil Puyat Avenue Makati City 1200 Philippines. Ayan ang complete address, alam nyo na kung saan nyo sya hahanapin kung pinagtataguan kayo hehe

Mahilig si Ysah sa mga libro ni Bob Ong, sa mga movies na romantic, comedy, love stories at mahilig din siya sa RNB at senti music. One time pa nga, nung gumigimik sila, tumugtog ang band ng isang senti song, aba't akalain mong biglang umiyak. May boy problem pala nyahahaha...

Sabi ng mga friends nya, boy magnet si Ysah, daming nanliligaw at dami ring dine-date (sabay-sabay pa ata pero ayon lang yun sa The BUzz ha). Ang peborit linya nyan ay "this is it..." Sinabi niya ata yun mga dalawampung beses. Pero nuon yun, dahil simula ng makilala niya si Papa Dennis, that is it na talaga. Kwento nga ni Marinka "pati ba naman sa monitor ng PC nya nakadikit pix ni dennis..tapos bigla na lang yang magsasalita at kakausapin pic ni dennis...sobrang baliw na 'to sa pag-ibig..masyado pa cla nagmamatamisan...kapg nag-a-analyze sya ng account, nagsasalita sya mag-isa kala ko kausap nya ko..un pala yung computer nya.."

Sa 2009, "Labro" na ang bagong surname ni Ysah. Congrats in advance.