Roxin Larazo

(jj guy of the month, november)

People of the world, meet The Frogman!

Pero kung taga Jalajala ka, malamang ay kilala mo na si Roxin Larazo dahil dati na siyang nasa paligid-ligid lang ng Jalajala, kakalat-kalat (hehe) pero huwag ka ng magtataka kung bigla ka niyang babatiin kung magkita man kayo sa Pasig, sa Makati, sa Mandaluyong, sa QC at ngayon ay sa loob ng GMA Kapuso Network kung saan siya nagtatrabaho.

Matagal ko ng kilala si Rox, nakakalaro sa baskeball, nakakainuman at nakakakwentuhan. At ang masasabi ko ay siya ang isa sa pinakamasayang taong makakasama mo sa buong buhay mo. Halos lahat ng patawang mauuso sa JJ, malamang ay kay Roxin nagsimula. Di na ako magtataka kung balang araw ay mabalitaan na lang nating comedy talent o writer sya sa GMA 7.

Pero hindi lang sa katatawanan maasahan ang taong ito. Kahit sa mga siryosong bagay ay di ka niya iiwanan dahil maaasahang kaibigan at kapamilya (este- kapuso) si Frogman. Madami siyang kaibigan, JBHAD, Jarfe, Simple Hearts at iba pa.

Kahit sa ibang lugar, kapag nakita ka nya at alam niyang taga Jalajala ka, babatiin ka niya. Sabi nga niya, sa lakad pa lang, alam na niyang taga Jalajala. Di sya suplado kahit sikat na errr-- Nagugulat na lang ako minsan kapag tatawagin niya ako kung nasa Maynila ako at nagkakasabay kami sa jeep. Hindi ko pa nga makikilala minsan dahil malaki na ang pinagbago niya in terms of looks, gwapings ba. Malamang ay nahahawa siya sa mga artistang kaibigan niya sa GMA.

Yan si Roxin.