Jhonny Anago

featured jj guy of the month, april

Sa basketball court, kilala siya bilang si Jhonny A, pero hindi siya pointguard kagaya ni "Jhonny A" Abarrientos. Siya ay forward/center ng perennial champions JBHAD basketball team.

Mananayaw din siya ng JBHAD dance group.

Sa mga chikababes, kilala siya bilang si Papa Jhonny. "Shoot Papa Jhonny!", yan ang sigaw ng mga babes (at gays na rin) kapag naglalaro siya sa JBHAD team.

Sabi ni Udo, kilalang-kilala din siya ng mga Alabang Girls ng Brgy. 3rd District. I-set mo!

Sa pamilya nila, kilala si Jhonny bilang isang magalang, mapagmahal at responsableng anak at kapatid. Ayos sa kanyang Friendster, ang gusto niyang makilalang babae ay "SOME1 NA MAY MALAKING PAG GALANG SA MGA MAGULANG AT NAKAKATANDA." Yan ang ideal woman nya.

Sa mga kaibigan naman niya, kilala siya bilang isang maasahan, masayahin at matapat na kaibigan.

Yan si Jhonny Anago, isang taga Jalajala.

Nag-aral si Jhonny sa Jalajala Elementary School at nag-high-school sa SMPS, batch 1993. Pinagpatuloy nya ang kanyang pag-aaral sa Rizal Polytechnic College kung saan nakatapos sya ng degree in electronics.

Single pa siya ngayon pero girls, before rushing out and go looking for him, teka muna. Wala siya sa Jalajala ngayon dahil nagtatrabaho siya ngayon sa Qatar. Malas nyo.

Dahil naniniwala pa naman si Jhonny A. sa: "THE REAL MAN NEVER LEAVE THE WOMAN HE LOVE TILL THE END, FROM THE START"