Maria Elena De Guzman

(featured girl of the week Oct. 22 to 28, 2007)


Dati, may napapanood akong girl na taga Jalajala na magaling mag-volleyball. Maganda sya, maputi at para sa akin, mysterious ang dating. Mataray kasi ang dating nya kaya parang nagdadalawang isip akong kilalanin siya nuon. Ang alam ko pa nga, “Minyang” ang name niya, yun pala Lhena. Maria Elena De Guzman, to be exact.

Salamat sa Friendster, may kaunting nalaman ako tungkol sa kanya. Elena is 24 years old, loves playing volleyball, watching TV and listening to acoustic and love songs. Fave movies niya ang “A Walk To Remember” at “The Notebook”. Yun lang ang info sa Friendster niya, sabi sa inyo mysterious ang dating eh.

But according to her friends, super bait at sarap na maging kaibigan ni Elena. Galante na, magaling pang magpayo. Yun nga lang, kapag sarili na niyang problema, nababaligtad na ang mundo hehe May ilan sa mga friends nya ang nagsabi na kung magkakaroon sila ng sister, sana si Elena na iyon. Mapili daw siya sa mga guys, kaya bihira magka-boyfriend kahit pa maraming nanliligaw at nagkaka-crush sa kanya. May pagkamaldita at taklesa daw siya at dati pang warfreak… nyeeehhh! Pero ang totoo, siguradong tawa ka ng tawa kapag kausap siya, iba kasi siyang magdeliver ng sasabihin. Kikay girl daw siya sabi din ng ilan niyang friends, na may kulambo pa daw ang paa? Nyaaaah! Hehehehe Sweet pa. We love pretty kikay, sweet girls, di ba mga guys?

Kaso, she’s in a relationship right now. Yun la-ang. Makasilay na nga lang sa tindahan nila…

Norjes Dela Vega

(featured guy of the week Oct 15 - 21, 2007)


Sabi nila, babaero daw si Norjes. Ito ang image nya sa mga taong nakakakita sa kanya at sa paiba-ibang babaeng kasama nya. Marami din kasing chikababes ang may crush kay Norjes. Hindi rin naman nakapagtataka kung bakit ganun.

Pero para sa akin, kung makita man nating iba’t-iba ang kanyang kasama, ito ay dahil sa isang “noble reason”. Ano yun? Gusto lang niya kasing mapag-aralan angmga styles ng mga guys sa mga chikababes para protektahan ang dalawa niyang equally chikababes na sisters (altho dati yun, kasi married na si Hyra hehe). Kung mae-experience nya kasi at mapag-aaralan ang mga style na ito, malalaman din niya kung lolokohin lang ang kanyang mga kapatid. O di ba napakabuti niyang brother? Sina-sacrifice nya ang kanyang sarili sa panchi-chicks para lang sa kabutihan ng dalawa niyang sisters. Napaka-protective kasi ni Norjes. Pero di lang naman siya sa babes madami. Marami ding guy friends si Norjes. Mga “bataan” niya, ayon na rin sa kanyang ate.

Para sa mga gusto pang mabiktima ni Norjes, here are some more info about him.

Mahilig siya sa rock music kahit pa ayon sa isang source, siya ang “Nick Carter” nila nung highschool hehe… He listens to secondhand serenade, dashboard confessional, switchfoot, the yeah yeah yeah. He aso likes watching movies and books about angels and demons. He knows how to play the guitar, he knows how to sing and dance, he knows how to write poetry, he knows how to win your heart hehe..

He’s taking up Electrical Engineering in A Damn Son University. According to him, he wants to be suck sex full in life.

Sabi nya, single pa daw siya hehehe

Mylene Garcia

(featureg JJ girl of the week Oct. 8 - 14, 2007)

First off, a happy birthday to Myles, as what her friends call her. Birthday nya ng Oct. 10.

Nasa Dubai si Myles right now, dun sya nagtatrabaho since last year. Pero kung nasa Jalajala siya, malamang nagpainom na sya sa kanyang mga barkada. According to my source who wishes to remain anonymous, peborit nyang drink ang Colt beer. Doble ang saya kapag Colt ang humahagod sa lalamunan and my source said that whether drunk or not, Myles will always be the life of the party. She is known to hold impromptu music concerts during their drinking sessions. She can be seen and heard belching out Aegis’ “Luha”.

To best describe Myles, isipin nyo na lang si Rufa Mae Quinto in every aspect (Go! Go! Go! Hehehe)

Mylene is also a romantic. She is in love with the concept of being in love. She falls in love easily but yet, her friends haven’t recall a single time she cried because of a guy. She’s also driven. Almost anything she sets her mind on, she gets. Pero sa mga sinasabi kong ito, mahirap pa ding i-describe si Myles dahil ayon sa source ko, very secretive itong girl na ito. If most girls like to emote, iba si Myles. Sya yun real description ng "di-pahuhuli-ng-buhay".

Mylene studied in Jalajala Elementary School then in SMPS. She took up Accountancy in Lyceum College of the Philippines where she graduated in 1999.

Ayon sa Friendster nya, single daw sya. Pero ewan ko lang, drawing kasi minsan si Myles hahahaha