Emer Gellido

(jj guy of the month, january)

Isa na siguro sa mga pinaka-talentadong tao sa Jalajala si Emer Gellido. Kuya Emer sa karamihan dahil malapit siya sa halos lahat ng taong makakakilala niya. Maraming tao ang kahit papano ay naging bahagi ng marami niyang talent.

Gaya ko.

Kung mahilig kang mag-drawing, malamang ay nakita mo na ang kanyang mga watercolor paintings, ilang oil on canvas at ink on paper drawings. Nung nasa elementary pa ko, tinuruan din niya kami ng basic ng drawing. Nahasa ng konti ang kaalaman ko sa pagdrawing dahil sa kanya. Natatandaan ko pa, kinokopya ko ang mga drawings nya. Kung taga SMPS ka, malamang ay nakapagpa-drawing ka sa kanya ng mga projects o kaya ay yung mga lyrics ng kanta na nakasulat sa illustration board na may drawing ng dalawang nag-iibigan. Huwag magkaila, nagpadrawing ka nyan o kaya ay nakatanggap ng ganun sa isang manliligaw.

Kung musika naman ang trip mo, panigurado ding nakita mo na siyang tumipa at tumugtog at may ilang chords at plucking kang natutunan sa kanya. Kung hindi brush ang hawak nya, malamang ay isang gitara. Pero hindi naman sya kagaya nung iba na nagmamarunong, dahil kung may makikita siyang bago sa iyo ay hindi siya mahihiyang magpaturo. Ganyan si kuya Emer.

Kung isa ka naman tibak (aktibista ha, hindi yung mga taga 3rd district), hindi rin kayo nagkakalayo dahil naging tibak din sya dati, lalo na nung panahong nag-aaral sya ng Fine Arts sa UP Diliman. Tsaka karamihan naman ng artists ay may dugong tibak. Ipatugtog mo sa kanya ang lovesong ng mga tibak, ang "Kanlungan" ni Noel Cabangon at hahanga ka aba.

Kung palakaibigan ka naman, eh wag kang mag-alala dahil diyan mas kilala si Emer, sa pagiging isang tunay na kaibigan.

Kung mahilig ka namang bumili ng magagandang paintings, aba eh bisitahin mo ang studio nya.

ARTS Studio Gallery @ 112 E. Rodriguez St., Jalajala, Rizal


or call: 09275981954