Melody Bernabe

(featured jj girl of the week Nov. 19 - 25, 207)


Kilala nyo ba si Melody Bernabe? Malamang ay hindi, o kilala nyo siya pero bihira nyo lang siyang nakikita. Siya ata ang best kept secret ng Brgy. 3rd District. “Secret” dahil as much as possible, mas gugustuhin nilang sila lang ang nakakaalam na sa kalye palang iyon ay may isang pretty lady amongst them.

Maganda talaga kasi si Melody, cute na maputi. Yun bang parang umiilaw/kumikinang sa dilim dahil sa kaputian. Mabait sya sa family niya, sa kanyang mga pamangkin. Sobrang mahal siya ng mga barkada niya dahil masaya siyang kasama at yun tipo ba ng kaibigan na maaasahan mo sa lahat ng bagay. Ang description nga ng mga friend nya, “hindi nang-iiwan”. Sabi nga niya, “be a blessing to others.”

Melloi is a 24 years-old lady who studied in Jalajala Elementary School, went to SMPS during highschool then AMA in college. She’s now working in KEPCO Phils. Corp. After work, mas gusto nyang sa bahay watching TV o kaya sound trip sa room. Mahilig kasi siya sa music and i heard malupit ding kumanta. She loves romantic movies. Trip talaga niya ang mag-travel at mag-explore ng iba’t ibang lugar. Kasama na rin ang exploring and surfing the internet.

Ang description nya sa sarili nya, “simpleng babae”. Pwede rin, kasi kapag makikita nyo siya, wala siyang kaarte-arte sa katawan. Una nyong mapapansin na maganda siya, mukhang mabait at approachable, laging nakangiti. Pero when you get to know her really, hindi “simple” ang maiisip nyo dahil madami siyang interests, madaming kwento, there are a lot more than what you see with your eyes.

Ngayon, alam nyo na ang sikreto ng 3rd District. Hindi ako ang nagsabi sa inyo nun ha, atin-atin na lang yun…

Anna Liza Estrella

(featured jj girl of the week Nov 12 - 18, 2007)

We all love fairy tales one time or another. Kaya kung ipapa-describe sa atin ang isang Princess, alam natin na sya ay maganda, mabait, sweet, innocent, loving, caring, someone na very special at higit lahat, may kaharian sa Biga hehehe…

If those qualities describe a princess, well, pwede nating sabihin na “princess” si Anna Lisa Estrella dahil yan ang description sa kanya ng kanyang mga kaibigan at “special” friends. Friends and family of Anna Lisa loves her a lot and treats her as someone really special.

In the real world, she studied in Jalajala Elem. School, then in SMPS then took up accounting in Rizal Tech. University. Aside from being a princess, she is also working as an accountant in Purefood, San Mig Corp. Sabi nya, mahilig sya sa mga accounting books but we all know that deep in her heart, she’s a romantic girl who likes reading romantic pocket books. At syempre pa, she loves the movie “50 First Dates”. She is also talented as she likes to sing (kahit sa shower lang) and dance. Mahilig sya sa music, particularly light rock songs, and she’s a confessed “kapamilya” when it comes to TV.

Being a true princess, Ms. Anna Lisa is in search of that perfect guy. Yun bang someone na unang kita pa lang ay may “magic” na. If you think you’re that kind of guy, hanapin mo na ang kaharian nya as she is still single these days ayon sa kanyang Friendster. Kung wala ka namang “magic” eh magdala ka na lang ng Magic Sing at magkantahan na lang kayo nyuk-nyuk-nyuk… Kung kasing corny mo ako eh wag ka ng umasa, wag ka ng pumunta sa kanila (nyaaaahhh!!!)

Of course, we all know there is no such things as a perfect guy, ayon na rin sa mga forwarded text messages na ating natatanggap (may mga nagfo-forward pa rin pala ng mga ganun) but there is nothing wrong with dreaming for that special guys di ba? Sabi nga sa kanta (we) “got to believe in magic…”

Ivy Car Ona

(featured jj girl of the week Nov. 5 - 11, 2007)


Mahirap maghanap ng isang gurl na beauty and brains… lalo na kung mahirap siyang hanapin kasi kulang sa height nyuk-nyuk-nyuk

Yan kasi ang descriptions ng mga close friends ni Ivy Car Ona sa kanya hehe Lagi nilang sinasabi na baby nila sa school si Ivy dahil “small but terrible” daw siya in a good way. Nung mag 18th birthday nga siya, mukha pa din siyang 7 years old hehe Masaya siyang kasama, walang dull moments kasi makwento siya at makulit. Kulang ang barkada kapag wala siya. Very fragile kaya gustong-gusto siyang i-baby ng mga friends niya. Di nila hahayaang masaktan ang baby girl nila sa barkada. Pero kahit makulit, may sensitive side pa rin si Ivy at maasahan siyang tumulong sa mga taong mahal niya.Kahit petite, siya lagi ang napapansin ng mga guys kasi pretty/cute siya. Malakas ang dating kahit maliit ang dating errr--- hehehe

Pihikan si Ivy sa lahat ng bagay. Ang mga likes niya? Fave book niya : kahit ano basta mababasa. Fave movies? Kahit ano basta mapapanood. Eh fave music kaya? Kahit ano rin basta mapapakinggan (Nyaaahhh!)…. pero ang the best, mahilig siya magluto kaya I’m sure added ganda points yun para sa mga guys na umaasang mapansin niya.

Para sa mga umaasa at gustong mag-apply para maging boyfriend nya eh may pag-asa pa kayo kasi single pa daw siya.

Emily Marie Taruc

(featued JJ girl of the week Oct. 29 - Nov. 4, 2007)


Hindi sa Jalajala lumaki si Marie. Hindi siya dito nag-aral ng elementary o high-school. In fact, tuwing bakasyon lang siya nandito sa bayan dati. Sa tingin ko nga rin, kokonti lang ang nakakaalam ng tunay nyang pangalan na Emily Marie Taruc. Pero hindi ba kayo nagtataka, na madami siyang friends sa Jalajala at kilalang-kilala siya kahit pa ang first impression sa kanya ay suplada?

Well, hindi ako nagtataka dun. Kasi total opposite ang pagiging “suplada” daw niya. Tahimik lang sya at hindi nagsasalita kapag kaharap ang mga taong di niya close talaga but when you get to know this girl, ayon na rin sa mga friends nya, she will really touch your life. Makulit siya, mahilig tumawa na “weird” daw ang tawa hehe and someone na maaasahan as a friend. Beauty and brains, obvious naman yun. Lagi siyang nakukuhang muse ng mga basketball teams, lagi ding nakukuhang reyna sa Flores de Mayo. In fact, nung bukas pa ang 243 store at nandun sya, sa tingin ko lumalakas ang benta ng store because of Marie. Bumibili kasi lagi ang mga boys na nagpapapansin at nagpapa-impress hehehehe…

Maliban sa mga nabanggit ko, may iba pang rason kung bakit maraming kaibigan si Ems. Ang mga guys, natural ng makipagkaibigan sa kanya because of her looks. Pero ang mga girls, nakikipagkaibigan din sa kanya dahil ayaw nilang masapawan ni Marie samga boys hahaha If they can’t beat her, join her, ika nga.

Isa si Marie sa mga dahilan kung bakit inaabangan ng mga taga-Jalajala (guys) ang bakasyon dahil yun ulit ang pagkakataon nilang makasilay sa pretty girl na ito. Isa siya sa iilang crush ng bayan, simula nuon hanggang ngayon.

Marie studied in St. Mary’s Academy, then in Miriam College then finally, in College of the Holy Spirit. She loves singing, eating, sleeping, going out shopping and watching movies. Fave nya ang movies na In Her Shoes, Legends of the Fall, Beautiful Mind, The Notebook and other movies. Oo nga pala, wala na sigurong tatalo pa when it comes to love for her Mom.

And lastly, girls with this beauty are usually taken already. Yup, weep with me now. Taken na si Marie, she’s in a relationship right now huhuhuhuhu…